7 Deadly Sin:
Wrath
Prologue
Cordillera, mountain Deep in the forest
Gumalaw
ang ugat sa mukha ni Effrein habang masamang pinagmamasdan ang isa niyang
kaibigan niya na naaliw sa binabasang porn magazine. Hindi na kailangan alamin
nang binata kung anong binabasa nito dahil sa cover palang nang libro ay halata
na. Walang sabing na hinablot niya ang magazine at inihagis sa labas ng
bentana.
Nagulat
ito sa ginawa niya at nakatingin sa labas nang bentana na nanghihinayang.
Bumaling ito sa kanya at nakikita niya mata nito ang pagbabago. Naging asul
iyon.
"Ano
ba ang problema mo, effrein?!" Nangungugat ba ang mukha nito sa mukha.
"Alam mo ba na kinapalan ko ang mukha ko para lang mabili iyon tas tinapon
mo lang ng basta."
"Hindi
ba kinabibilinan na kapag nandito tayo sa bundok ay hindi tayo magdadala na
kahit anumang bagay na may kinalaman sa patag?"
"Oh
shut up. I just want to read since i was really bored to hell."
"If
you don't stop reading that kind of a book then your mate will eventually leave
you." Sumingit sa usapan nila si Kyle na sumampa lang sa gawang kahoy na
bentana at walang hirap na nakapasok ito sa loob. Kung sa kanilang dalawa ni
Drake ay ito ang pinakatahimik at parating gloomy.
"Nasaan
silang tatlo?" Tukoy niya sa tatlo pa nilang kaibigan.
"They
went to the village." Bahaw nitong sagot sa kanya.
"Why?"
"To
get something to eat. Remember, we didn't bring anything food kaya tama lang na
pumunta sila doon sa bayan para kumuha nang makakain. Ilang buwan din tayong
hindi nakakapunta doon."
"Sigurado
ako na nanginginig na naman ang mga taga-tribu na iyon." Sumabat si Drake.
Napansin niya na nasa kanya uli ang magazine. Napapailing na lang siya.
"Mas maganda kung may iaalay sila sa atin na magandang chicks!"
Silang
dalawa ni Kyle ay napalingon sa binata na hindi makapaniwala. Kahit kailan ay
hindi pa namin narinig na mag-suggest ito ng ganun. Siguro nga silang anim ang
kinakatakutan dito sa kagubatan dahil hindi sila ordinaryong mga tao. No, we
aren't mortal like them. Isa sulang lobo-a mythical creature. Isa lamang silang
dayuhan dito sa bansang ito. Ang bansang sinilangan nila ay ang spain. Sampung
taon na sila dito sa pinas at hindi parin kumukupas ang ganda ng bundok ng
cordillera. Hindi sila nandito ng ilang taon para lang magrelax kundi au
hanapin ang mga bampira na pumatay sa mga kasamahan nila. And they are going to
avenge their family! Hindi niya mapapatawad ang ginawa ng mga ito sa pamilya
nila. Silang anim ay mga alpha ngunit na niya masasabi kung ganun parin ba ang
rank nila kung sila lang naman ang natitira sa lahi nila. Noong una ay parati
silang nag-aaway kung sino ang magiging alpha at dahil pareho silang mataas ang
pride ay napagdesisyon nila na isantabi na lang ang mga rank na 'yon and they
decided to make an organization at ang pangalan nang organization nila ay 7
Dead Sin.
May
kanyang kanya kaming titolo kagaya nang sa kanya. He was known as wrath dahil
bagay iyon sa kanyang personality. Si Drake naman ay Lust at si Kyle ay gluttony-Sloth.
hindi niya alam kung bakit pinili nito ang title na gluttony eh hindi naman
bagay nito ang title dahil hindi ito mataba at wala itong hilig na kumain nang
madami.
Ang
dapat nilang unahin nila ay ang paghahanap kay Serge. Isa sa mga bampira na
pumaslang sa kanilang lahi. Hindi nila alam kung anong motibo ng mga lahi nito
sa kanila kaya nagawa nila ang karumaldumal na trahediya. Pero may hinala na
nabubuo sa kanilang isipan. Baka kaya gusto ng mga ito ubusin sila dahil gusto
ng mga ito na maghari sa buong mundo. Kilala niya si Serge. Isa itong gahaman
sa kapangyarihan kahit na kalahi nito ay papatayin basta makuha lang nito ang
gusto.
Sa
ilang siglo na namumuhay dito sa mundo ay natutunan nilang na-adapt ang mga
panahon ngayon. Napakahigh tech na. They are filthy rich, thanks to the gold
they had found inside the cave kung saan sila naninirahan noon at dahil doon ay
nakapag-aral sila at nagkaroon ng mga business.
Si
Drake ay isang business tychoon. Hindi nga lang halata na matalino ito minsan
kasi ay naiisip niya na takas lang ito sa mental hospital. Kunsabagay, they
said that don't judge the book by its cover. Ito kasing lobo na minsan lang
sumeryoso. By the way, i had witness with my own naked eye nang sumeryoso ito.
He was deadly. Wala ata sa kanilang lima ang makakapigil kung magwala ito.
Si
Kyle. Ngayon ay siya ang nagmamay-ari ng sikat na publishing company. Hobby
nito ang pagsusulat ng mga erotic kapag bored na bored ito. Hindi nga siya
makapaniwala na mahilig ito sa pagsusulat eh. Dahil wala sa hitsura niya ang
ganun.
Kung
siya naman ang ikompara sa dalawang lalaki ay hindi rin siya magpapahuli. Siya
ang nagmamay-ari ng mining company sa spain at dito rin. At siya 'yong tipo na
lahat nang gusto ay makuha. Kahit isa pang babae. Kapag hindi niya makuha ang
gusto niya ah dadaanin niya sa dahas. So far, wala pa naman siyang na-rape na
babae. Women comes and goes. Pagsisikan pa nga ang sarili kahit ayaw na niya.
What can he says? He's too handsome kahit tingin palang niya sa mga babae ay
nagkandarapa na. Hindi rin naman padadaig ang mga kaibigan niya.
"What
do you mean by that, drake?" I asked.
Hindi
nito inaalis ang mata sa magazine. "Well, bored ako kaya sana may ialay
sila sa atin. Hindi naman masama, di ba? Tsaka sigurado naman ako na madali ko
mapapayag ang babae sa gusto ko." Ngumisi siya.
Takot
na takot sa kanila ang lahat ng tagatribu dito sa cordillera dahil isa silang
mythical creature na kinakatukan ng mga ito. Tanging ang wolf form lang nila
ang nakita ng mga ito. Ayaw nila na magkaroon ng problema kapag nalaman ng mga
tao ang kanilang human form. The poor people think they were a guardian in the
forest! Mas maganda na rin iykn ang isioin ng mga mortal kesa naman demonyo o
anupang maligno.
Inagaw
niya uli ang magazine at lumabas ng kubo. Doon kasi ang kanilang pahingahan
kapag gusto nilang magpractice. Ang base nila ay malayo dito.
Sumunod
naman sa kanya ang dalawa.
"Give
it back!"
"Addict
ka talaga, drake! Bumalik ka na nga lang sa hotel at maghanap ka ng totoong
babae hindi iyang picture! Peste!"
"Hahaha!
Sabi ko naman sa'yo na doon na lang tayo sa base eh nagmatogas ka na dito sa
kubo eh! Bakit ba nagmamaasta ka na naman leader namin? Remember, we don't
acknowldge as an alpha."
Muntik
na niya makalimutan ang dahilan kaya pumunta sila doon. Tungkol sa mga bampira
na pumatay sa pamilya ang sasabihin niya. Kaya dito niya pinili dahil may
possibilidad na nandito lang sa cordillera ang mga bampirang iyon!
"Sasabihin
ko na lang kapag dumating na ang iba."
"Okay!
While we're waiting for the three of them pwede bang ibalik mo na iyan sa
akin?"
Ngumisi
siya. "You want it badly, mutt? Then catch it!"
Inahagis
niya sa malayo ang magazins. Halos hindi na niya makita ang magazine na
inahigis niya sa ere. Tinakbo naman ni drake iyon. Kasing bilis ng kidlat ang
takbo nito at walang hirap na tinalon ni drake ang lupa at malaking sanga nang
matayog na puno at tumalon uli patungo sa kalangitan upang abutin ang magazine
na halos lumipad na sa ere. Malapit na sana nito makuha iyon ngunit may mabilis
din na anino na naagaw nito ang magazine.
Pumipito
pa ang lalaking iyon. Lumalim ang lupang binagsakan.
Unismid
si drake nang makababa na sa kalangitan. Kagaya din nang nangyari sa lalaking
parang bato na ang katawan ay lumalim ang lupa na pinagbagsakan niya.
"Walang
ganyanan, Caspian!"
"Humihina
ka na aga, drake. Kung pwede lang ay huwag ngayon lalo na at may problema
tayo." Anang ni Caspian. Kagaya rin nila ito.
"Tama
si caspian, drake. Kung hindi ka titigil sa pagka-easy going ay baka ikaw ang
mauunang mamatay sa ating anim." Parang hangin lang na lumapit si Kyson
and Sohan sa kanilang apat.
Nakakunot
ang noo niya.
"May
nakita akong pitong mortal dito sa kagubatan at may naamoy ako sa kanila. Amoy
bampira." Sohan growl na anumang oras ay sasalakayin ang prey.
"Hindi
pa kami sigurado kung bampira sila. Kailangan natin obserbahan sila."
Ipinatong ni kyson ang kanang kamay sa balikat ni Sohan. Kumalma naman ito.
Mukhang ito lang ang hindi nababahala sa nangyayari. Ito ang pinakaseryoso at
mapangduda sa aming lahat kaya lang ng paho o sabi nito ay sinusunod na lang
namin.
"Puntahan
na natin. Saan na sila?" Tanong niya. Pero bago pa ito makasagot ay may
narinig siya sa pinakamalayo. May narinig siyang mga ingay nang mga ibon. Sa
paglingon nilang anim ay nakita nila sa bahaging silangan ang mga ibon ay
nasiliparan. Base na sa reaction ng ibin ay alam na niya kung saan ang mga tao
na pinaghihinalaan ng tatlo na bampira ang ito.
"Puntahan
ba natin!"
Somewhere
in the Forest
“I
can’t take it anymore, Rachel!” hestirical na sabi ni Amery sa kanya na
ikinatigil nilang lima sa paglalakad nang makita nilang umupo sa lupa ito at
niyakap ang binti. Nakita niya na namamasa ang mata nito. Napabuga siya nang
malalim na hangin at lumapit dito.
“Tiisin
na lang natin ito, Amery. Makakaalis din tayo dito sa gubat.”
“Eh
pano kung hindi?! Hindi na ako magtataka kung may lumabas sa mga mayayabong
halaman na iyan na isang wild boar!”
“Anong
iniiyak mo diyan, paniki?” Lumapit sa kanila ang kulot na buhok na babae. Si
Mary Toni iyon. “Huwag kang mag-alala dahil kahit na meron man wild boar dito
ay lilipad ka naman at uuwi sa tahanan mo. Kweba.”
Napapailing
nalang siya sa kakornihan ni mary. Sa kanilang lahat ay ito ang parating
positive at mas adventure sa amin lahat. Mahilig ito sa mga delikado at may
thrill kagaya ngayon.
“Tumahimik
ka kulot! Kasalanan mo ito eh!” Humagulgol ito at isinubsob ang mukha sa
pagitan nang dibdib at tuhod nito.
Three
hours ago kasi naihulog kasi ni Mary Toni iyong mapa sa ilog nang tumuwid sila.
Malakas ang pag-agos ng ilog at nadulas ito kaya naaksidente nabitiwan nito
iyong mapa kaya isang ngayon ay paikot-ikot na sila sa kagubatan. Kanina ay may
nakita silang dalawang mag-asawang mangangahoy kaya nawala iyong kaba namin.
Nagtanong kami sa kanila kung saan ang tamang daan pabalik sa bayan at tinuro
naman ng mga mag-asawa ngunit mukhang pinagloko lang ata sila ng mga ito dahil
kahit na diritsuhin pa naming ang daan ito ay wala parin silang nakikitang
daan!
Pinlano
kasi nilang anim na magbakasiyon dito sa cordillera para magrelax. Lumayo muna
sa trabaho. Graduated sila last year at
dahil may kanya kanya na sila nang trabaho ay minsan na lang silang lahat
nagkaroon ng bonding. Isa na siya ngayon isang restaurant supervisor sa
kilalang hotel.
“Oi!
Hindi ko kasalanan iyon. Think positive lang tayo dahil kapag pinairal mo iyang
takot mo ay mas lalo ka ibabagsak niyan.” Walang bakas na takot sa boses nito.
Nagtaas
nang tingin si Amery at tinitigan ang kaibigan nila na si Mary Toni o Toni for
short.
“Oo
nga think positive tayo and let’s pray to god na walang mangyari sa atin ng
masama. Hindi tayo pababayaan niyon.” Sumabat pa si Emmanuel. May takot ito sa
diyos at muntik na nga iyan maging pare kung hindi lang nito nakilala si
Krystal ang babaeng nagpapatibok nang puso nito. Too bad wala ang nobya nito
dito. Mas maganda na rin iyon dahil hindi ko gusto ang ugali ni Krystal. Ang
sama kasi nang ugali porque puro silang babaeng kaibigan ni Eman ay parati na
itong nagseselos. NAGSESELOS SA WALA! Minsan naisipan niya nga na sana natuloy nalang ang pagiging pare nito
kesa mapadpad sa babaeng selosa. Pero wala naman siyang magagawa eh. Ito naman
ang nagdecision na piliin ang babae kesa pagiging pare. Nirespeto nalang niya
ang decision nito.
Ang
dalawa naman babae na nasa unahan naming ay tahimik lang na nagpatuloy sa
paglalakad. Wala atang balak na hintayin silang apat.
“MAIA!
ROXANNE!” Tawag niya sa mga ito. Lumingon naman ang dalawa. Kung gabi lang sana
ngayon at tinanglawan ang dalawang dalaga ay baka atakehin siya sa puso dahil
sa takot. Bagsak kasi ang tuwid nilang buhok at namumuti na sa pagod siguro.
Para kasi sudako ang dalawa. Mapagkakamalan na nga niya ang mga ito na kambal
eh dahil sa sobrang close!
“Ano?”
Sabay pa ang mga ito nang tanong.
“Marunong
ba kayong umakyat ng puno?”
“Hindi
kami unggoy!” Sagot ni Roxanne.
“Marunong
ako.” Sagot ni Maia.
Magkasabay
silang dalawa na sumagot. Napapailing nalang siya sa dalawa. Nakita niya na
umakyat si maia sa matayog na puno at pumatong sa malaking sanga. Nakahawak ito
sa katawan nang puno na nagsisilbing supporta nito. Nakatanaw sa buong paligid.
Tumigil lang ito sa kanluran at may tinanaw na kung ano. Bago pa siya
makapagtanong rito ay nagsalita na ito.
“I
think I saw something over there.” Turo niya sa kanluran. Sinundan naman nila
nang tingin ang direksyon. Napaawang ang bibig niya sa nakita. Ang tutulis nang
halaman at alam niya na magkakaroon sila ng sugat kapag nakalabas sila sa
masukal na daan na iyon.
“Anong
nakita mo?” Tanong ni alec na nakataas ang kilay.
“Ancestral
House.” Bumaba na ito sa puno.
Nabuhay
siya ng loob sa narinig. Kung may ancestral house ibig sabihin may tao! Yepee!
Hindi na kami nag-aksayang pitu na pumunta doon.
Salamat lord at hindi niyo po kami
pinapabayaan!
Mahigit
kalahating oras sila nakarating doon sa ancestral house. Sa paglabas naming sa
masukal na gubal ay nagkaroon kami nang mga maliit na galos. Nabigla siya sa
nakita. Ancestral House?! Eh parang haunted house na iyon eh!
“Creepy!
I don’t think someone is living there. Mukhang inabandona na iyan eh.” Komento
ni Alec. “But I guess we don’t have a choice but to go inside at magpalipas
nang gabi because the sun is about to set, you know.” Tinaas nito ang kanyang
kamay hanggang ulo.
“No
way!” tutol ni Amery.
“Oh
yes!” Nakangising sabi ni Toni.
“Hay
naku! Amery Gale! Papiliin kita. Anong gusto mo matulog sa gubat na kakagatin
ka ng mga lamok o sa lumang bahay na ito?” Nakapameywang na tanong niya rito.
“Umm…
Sa lumang bahay na lang ako pero baka may nakatira diyan at baka sabihin niya
na trespasser tayo.”
“Huwag
kang mag-alala dahil walang tao nakatira diyan base na din sa mga bentana na
mukhang ilang taon na hindi nalilinis at ang mga pinto na bahagyang nakabukas.”
Pinapat ni Roxanne ang balikat nito.
Hindi
na din umangal ito at pumasok na kami sa loob. Malaking gulat nga naming dahil
kami na napakaluma na at mukhang inabandonang bahay iyon ay parang isang buwan
lang iyon hindi pa nalilinis sa loon maliban sa bentana. Hindi gaano maalikabok
ang mga kagamitan. Lahat nandoon ay mukhang antique.
Naghiwalay
muna sila at tiningnan ang buong bahay. Nasa second floor siya at tiningnan ang
mga mga kwarto. Pwede pa iyon magamit nila ngayon gabi. Sa dulo ng corridor ay
nakita niya ang isang pinto kaya naman pinuntahan niya iyon. Cool! Malaki ang
kwartong iyon at kasiya ata silang pitu ngunit iyong kama ay kasiya lang ang
dalawa. May malaking sofa at may terrace din. Maganda sana iyon kung nilinis
lang iyon nang maayos at ang bentana na may lumot na. Pumunta siya sa terrace
at tiningnan ang labas. Napakalawak na kagubatan. No wonder na naligaw sila at
hirap makaalis. Tama ang decision nila na dito sila pumunta. Inilabas niya ang
cellphone at tsineck kung may signal.
“Malas!
Walang signal!” Umihip nang malakas na hangin. She takes a deep breath.
Napakapresko nang hangin dito. Napangiti siya kahit pano ay naiibsan ang takot
niya habang tinatanaw ang araw na papalubog. Pero maya’t maya ay napalis ang
ngiti niya nang maramdaman na para bang may mga pares ng mata ang nakatitig sa
kanya. Hinanap nang dalaga ang aura na iyon pero ni anino ay wala. Baka
guni-guni lang niya iyon dahil nagugutom na siya. Pumasok na siya sa loob at
bumaba na.
Forest
Near
at the Ancestral house
Anim na babae at isang lalaki!
“Sigurado
ka ba na sila ang iyong tinutukoy niyo?” panigurado niya sa mga kasama. Wala
siyang naamoy na dugong bampira pero ganun pa man ay kakaiba ang amoy nang isa
sa kanilang kasama. Nakakapang-akit!
Nandito
sila sa ilalim ng dahunan ng puno at
nagtatago.
Pinilig
niya ang nasa isipan. Baka nagpapanggap lamang ang mga ito na isang babae at
akitin silang anim at kapag nagawa nila iyon ay aatakehin sila. Tama. Baka isa
lamang illusion ang mga ito.
“Yes!
Nakita ko pa sila na nagtatanong sa dalawang mangangahoy dahil nawawala sila.
At naamoy ko na may kakaiba sa kanila… kakaiba!”
Sinulyapan
niya si Sohan na naguguluhan. Napansin niya na may kulang sa kanila kaya naman
hinagilap niya kung sino ang nawawala. Si Drake! Hindi nila kasama dito si
Drake! Inamoy niya ang paligid ngunit walang silbi ngayon ang pang-amoy niya
dahil sa malakas na amoy ng perfume. Hindi niya matukoy kung sino sa anim na
babaeng iyona ng naglagay ng malakas na amoy ng perfume!
“Saan
si Drake?”
Imbes
na magsalita ay tinuro nang hintuturo ni Kyson ang sa baba nila. Nakita ko si drake
na nagbabasa na naman. Hindi na iyon isang magazine kundi erotic novel! Parang
gusto sakalin nang binata ang kaibigan niyang si Drake. Walang pakialam sa
nangyayari!
Nagkibit
balikat nalang siya at binalik ang tingin sa lumang mansion.
Nakita
niya na may isang babae na lumabas sa kwarto at pumunta sa terrace. Dahil hindi
pa naman madilim ay Malaya niyang nakikita ang magandang mukha nito. Nakatali
ang mahabang buhok nito at ang mukha niya ay parang isang banyaga. Maputi kasi
ito kesa sa purong dugo ng Filipino at chinky eye ang mata. Kunsabagay ay sa
pagkakaalam niya ay sinakop ng mga hapones ang mga pilipinas at awang
pagsamantalahan ang mga kababaihan noon. Siguro ay ang ancestor niya ay isang
hapon.
Inilabas
nito ang cellphone at tiningnan kung may signal ba.
“Malas! Walang signal!” Kahit na nasa malayo siya sa kanya
ay Malaya niyang naririnig ang sinasabi nito. Tumigil ito at tinanaw na lang
niya ang papalubog na araw at ngumiti. Ngiti na para bang pinatigil nito ang
kanyang oras. Ilang minute pa ay napalis ang ngiti niya at hindi na komportable
sa kinatatayuan. May hinahanap ang mata niya but she failed to see kung ano ang
gusto niya makita.
Napansin
ba nito na nakatitig siya rito?
“Hm.
Ang cute naman ng babaeng iyan. Eu tenho uma boa
idĂ©i.” Salita ni Drake nang sa wakas ay tumigil na ito sa
pagbabasa.
Inside
the Ancestral House.
Nakatulala
lang sa sahig si Rachel Umbra dahil wala siyang magawa kundi tumunganga lamang.
Alas-otso
na at naubos na nilang pitu ang mga chichirya na baon nila kanina kahit pano ay
naibsan din ang kanilang gutom. Doon kaming lahat sa loob ng malaking kwarto
kung saan siya pumasok kanina na nakaramdam siya ng may pares na mata nakatitig
sa kanya. Isinawalang bahala nalang niya iyon dahil guni-guni lang niya ata ang
naramdaman niya.
Hindi
pa bumabalik sina Roxanne at Toni para daw maghanap nang makakain dito sa
lumang bahay but I doubt na may makikita ang mga ito nang makakain. Ilang
sandal pa ay bumalik ang dalawa at may bitbit na dalawang bote nang red wine at
si Toni naman ay may dalawang kakaibang prutas na hawak niya.
“Oi!
Ano iyan?” Tanong niya nang makapit na ito sa kanya.
“I
don’t know. Masarap siya tikman mo, rachel.” Isinubo nito ang maliit na prutas
sa bibig niya at tinanggap naman niya iyon. Tama ito. Napakasarap!
“Saan
mo naman nakita iyan?”
“Sa
tabi-tabi.”
“Lumabas
ka nang bahay?!” Hindi makapaniwalang tanong niya.
“Yes.”
“Hindi
ka ba natatakot na baka may multo?” Namimilog ang mata ni Amery sa tanong nito.
Tingnan mo? Nag-iisip na naman ito nang kung ano! Nakakakilabot na nga ang
bahay ay dagdagan pa niya!
“Hindi…er…
but I did felt something when I was picking this fruits.”
“Ano?”
Napalunok ako nang ilang beses. Mukha
lang siyang hindi matakutin pero ang totoo niyan ay ang puso niya ay halos
tumigil na sa pagtibok sa takot. Kapag kasi gabi na ay doon na ako natatakot.
“I
felt someones staring at me.”
“TALAGA?!”
napabulalas silang lima. Tiningnan niya si Roxanne na pinagpapawisan na.
Humagalpak
sa tawa si Toni. “hahaha! Takot! Hahaha! Joke lang iyon! Kayo talaga
matatakutin. Dapat ay sa mga tao kayo natatakot hindi sa mga multo.”
Hinampas
niya ito gamit ang lumang unan. “Kainis ka eh! Huwag ka nga magbiro sa amin
nang ganyan!”
“Hahaha!”
“Hoy!
Kulot! Makulot ka sana habang buhay! Hiya!” hinampas ni Alec si Toni sa
balikat.
Ilang
Segundo ay nagksiyahan ang magkakaibigan at dahil nasa tamang edad naman sila
ay inubuhos nila ang wine. Iyon ang una
na uminom siya nang madaming wine kaya naman kahit na less lang ang alcohol
niyon ay tinamaan na siya nang espiritu ng alak. Kumakanta pa silang lahat na
‘who let he dog out’ at humagikgik. Hanggang sa nakatulog na silang lahat excep
sa kanya at kay Roxanne. Pilit pa niya nilalabanan ang antok while Roxanne
stood up at kinuha ang malaking putting kumot sa kama at doon ito sa sofa na
natulog. Siguro takot ito kaya kahit na malambot ang kama ay mas pinili nito na
matulog sa hindi malambot na sofa. Roxanne’s cover her whole body gamit ang
putting kumot.
Iyon
lang at tuluyan na dumilim ang kanyang paningin.
Naalimpungatan si Rachel nang marinig niya ang
malakas na tili na ngayon lang niya narinig. Kahit na hindi niya hulaan kung
sino iyon ay alam na agad niya base na sa boses. Boses iyon ni Roxanne. Ngayon
lang niya narinig na ganun ang tili niya na para bang kung anong nangyayari.
Hindi pa sana siya didilat nang nagtaka siya na napakalamig na hangin ang
nanuot sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay maliit lang ang kanyang damit
pero impossible naman mangyari iyon dahil nakasuot siya nang shirt at jogging
pants.
Maingat
na bumangon siya. Nag-iinat siya at nilibot ang paningin sa paligid. Napaawang
ang kanyang bibig na mabatid niyang wala na siya sa kwarto kundi nasa isang
malaking cage! Sa paligid ang may mga kubo.
Nilingon
ko si Roxanne na nakatali ang kamay sa likod. Namimilog ang mga mata sa takot.
Halatang walang tulog ito dahil nangingitim na ang ang ilalim ng mata nito. Ito
lang ang nakatali. Napansin niya na hindi lang sila dalawa ang nandito kundi
kasama rin nila ang apat pang kaibigan na mahimbing natutulog. Walang
kaalam-alam sa mga nangyayari.
“Anong
nangyari?” Maang na tanong niya. Lumapit siya rito para tulungan tanggalin ang
pagkatali. Ito lang kasi ang nakatali. Hinihimas naman nito ang kamay at
nag-inat bago nagsalita.
“Those
bastard! Kinidnap nila tayo maliban kay eman! Sinasabi ko sa`yo, rachel, hindi
sila ordinaryong tao!” Nanginginig ang boses nito habang kinukwento sa kanya
ang lahat na nangyari kanina. Habang daw tulog silang lahat ay may mga lalaki
daw na kakaiba ang mga suot na damit at kinidnap sila na wala daw silang malay.
“Gisingin
natin sila.” Ginawa naman nilang dalawa iyon. Pagkagising nila ang inaasahan
nila na titili ay si amery. Mas malakas pa ang tili nito kesa kay Roxanne.
“What
the hell is going here? Nandito ba tayo sa eat bulaga? Hindi ito nakakatuwa
ha!” May halong iritasyon naman sa boses ni Alec.
Tumayo
siya at kinalampag ang pinto nang cage ngunit walang silbi! Kahit na gawa lang
iyon sa kahoy ay matibay iyon sa pagkakagawa. Base na din sa sikat nang araw ay
sigurado siya na nasa mga alas otso na. Kahit na matindi na sikat nang araw ay
wala siyang makitang ibang tao kundi ang mga kubo lang. Naksara ang bentana at
kung patatahimikin niya ang kasama niya sa kakasigaw ay baka nabingi na siya sa
katahimikan. Parang nasa isang ghost town silang lahat eh.
“Help!
Tulong! Kung may nakarinig sa amin tulungan niyo kami!” sigaw niya.
Nagbabasakaling may mabait na tao sa loob at baka matulungan silang makalabas
dito.
“Walang
silbi ang kakasigaw mo, binibini.”
Nasa
kabilang bahagi iyon nanggagaling kaya naman ay lumingon siya. Nakita niya ang
isang matandang lalaki at may kasama ito na dalawa na mukhang nasa late
thirties. The were wearing tribal clothes.
Ito
ba iyong tinutukoy ni Roxanne kumidnap sa kanila?
Nabasa
ata nito ang isipan niya kaya umiling ang matanda. “Hindi kami ang nagdala sa
inyo dito. Ang mga tagapag-alaga nang kalikasan ang kumidnap sa inyo.”
Napapailing ito at tiningnan silang lahat na nakakaawa. “Isang malaking
pagkakamali ang pagpunta ninyo sa kagubatan na ito mga binibini.”
Naguguluhan
pa din siya. “Diritsahin mo na nga kami. Anong gagawin ninyo sa amin? Tagapag-alaga
ng kagubatan?”
“Sila
ang nagsisilbing nag-aalaga ng balanse nang kalikasan sa buong cordillera. Dinala
nila kayo dito upang masimulan na ang ritwal. Kayo ang magiging alay namin
ngayon gabi. At iyong kaibigan niyo naman na lalaki ay may pinadala na akong
mga tao na iuwi siya patungong bayan.”
Napamura
siya. “Bakit kami pa, ha?! Wala naman kaming ginagawang masama ah! Pakawalan
niyo na kami!”
“Paumanhin
ngunit hindi ko magagawa iyan. Ayaw namin silang magalit.” Bumaling na ito sa
dalawa at nag-usap. Hindi niya maintindihan ang salita ng mga ito. Tumango ang
dalawa at umalis.
“Kung
gusto niyo pang mabuhay ng matagal ay mas makakabuti na hindi na kayo
magtangkang tumakas.” Tinalikuran na sila nito.
Kinalampag
niya ang pinto tas nagsisigaw na siya.
“Hey!
Get back here you old man! I will sue you for this! Kayong lahat!”
“It’s
hopeless.” Malungkot na sabi ni Maia.
“We
can’t just sit here and do nothing! We should find a way to escape from this
crazy people.” Sabi niya sa limang dalaga.
“Hindi
nakakatuwa.” Naging sumeryoso ang expression ni Toni na hindi naman nito
ginagawa noon. “Ano naman ang gagawin natin para makatakas? Wala naman tayo sa
isang pelikula na madaling makakatakas sa kulungan. Hindi naman tayo si James
bond na may alam sa pagbukas ng lock.”
Naging
negatibo na din ang pag-iisip nito. Ang kinabahala niya ay kung anong klaseng
ritwal ang gagawin ng mga ito. Wala siyang ideya kung ano iyon. Hindi naman
siguro sila kakainin ng buhay, di ba? Iyong parati niya nakikita sa movie.
Hindi rin naman siguro sila papatayin, hindi ba? Sabi nga ng matanda kung hindi
sila tatakas dito ay magiging ligtas sila sa pagkatapos niyon.
Takot
silang anim na mamatay kaya’t hindi nila magawang tumakas sa mga ito. Dahil
kahit na makatakas pa sila dito ay wala parin sila kawala dahil nasa gitna sila
ng kagubatan. Hindi rin nila alam kung anong naghihintay sa kanila doon sa
kagubatan. Ilang oras na ang nakalipas ay may nagsilabasan na ng mga tao.
Nakasuot silang lahat ng tribal clothes. Ang mga tao na napapadaan sa kanila ay
sumulyap ng kakaiba. Ang iba naman ay napansin niya ang titig nila para bang
naawa sa sinapit nila.
Ilang
sandali ay may mga kababaihan na may kasamang mga lalaki lumapit sa kanila at
inalis ang lock sa pinto at pinalabas silang anim. Kahit na pinakawalan sila ng
mga ito ay alam niya na hindi dahil papatakasin kundi dahil ihahanda na sila sa
para sa ritwal. Hindi na din nila tinangka na tumakas dahil kapag ginawa nila
ay ibabaon ng mga kasama ng mga ito ang sibat sa kanila. May dala ang mga ito
na damit at sigurado siya na para sa kanila iyon. Pumunta sila sa batis at kahit
na hindi ito magsalita ay halatang gusto ng mga ito na maligo sila bago
magpalit ng damit. Ang mga kasama ng mga ito na lalaki ay nasa malayo at
nakatalikod kaya kahit na tumangka pa kaming tumakas ay masusundan parin sila.
Sinulyapan
niya ang mga ito. Hindi sila kinakausap ng mga ito. May palagay siyang ayaw
silang makausap ng mga ito at napipilitan lang na pakisamahan. Binigyan sila ng
maliit na saplot upang gamitin para maligo sa batis.
“Nakakaintindi
ba kayo ng tagalog?” Hindi niya matiis na itanong.
Hindi
siya pinansin ng mga ito. Napapailing na lang ang mga kaibiga niya.
“Forget
it, chel.”
Hindi
parin siya nawalan ng pag-asa. Kailangan niyang malaman kung anong klaseng
ritwal ang gagawin nila. Kahit na hindi siya pinansin ay alam niya na inignora
lang ng mga ito ang kanyang tanong. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Alec.
“Ano
ba klaseng ritwal ang tinutukoy nung pinakamatandang lalaki sa inyong tribu?”
“Nag-aaksaya
ka lang ng laway mo, chel.” Sumingit si Alec. Kahit kailan talaga ay ang
suplada nito!
“Tumahimik
ka nga diyan alec.”
“It’s
useless dahil hindi naman tayo maiintindihan ng mga babaeng iyan.”
“Naiintidihan
namin po kayo.” Hindi mapigilan na magsalita ang babaeng nakasuot na blue
tribal clothes.
“Wow!
Hindi pala kayo pepe!” sarkastikong sabi ni Alec.
“Iaalay
kayo sa tagabantay ng kagubatan. Hindi namin alam kung anong gagawin nila basta
ang alam lang namin ay kailangan namin kayo bihisan ng maayos at makapaghanda.”
Sagot nito kahit na pinipigilan na ng mga kaibigan nito ang dalaga. “Harapin
niyo na lang ang nakatakda ng tadhana ninyo. Pagkatapos ninyong maligo ay
suotin niyo itong mga damit na inihanda namin sa inyo. Ako nga pala si Nyai
kung may kailangan kayo ay huwag kayong mahiyang lumapit sa akin.” Iyon na ang
huling sinabi niya at lumayo na sa kanila.
“Teka!
Saan naman kami magbibihis?” Tanong ni Maia.
Tinuro
lang na nakaasul na babae ang mayabong na halaman. Mataas iyon, lagpas na sa
kanilang ulo kaya kahit pano ay walang makikita sa kanila na nagbibihis. Nakita
nila na inilagay sa malaking bato ang damit nila. Namimilog ang kanyang mata na
makita ang damit nila! White bikini top at maikling feather skirt na puti din!
“Ayokong
suotin ito! Ang super ikliiii!” Sabay pa nagreklamo ang mga dalaga. Halos wala
na kasi iyong itinago eh! Nagreklamo sila ngunit walang din silbi dahil hindi
sila pinansin nina Nyai at ng kaibigan nito.
Hindi
naman pwedeng suotin uli ang mga damit nila dahil madumi na niyon at ang lagkit
sa pakiramdam!
“Huwag
kayong mag-alala kahit na nakasuot kayo niyan ay magsusuot naman kayo ng
balabal. Heto o.” Pinakita ni Abi ang puting balabal. Narinig kasi niya na iyon
ang pangalan nito. Padaskol na pumunta siya sa mayabong halaban at doon
nagbihis. Ganun din ang ginawa nilang lima at pagkatapos magbihis ay lumapit
silang anim sa tatlong babae at hinablot ang mga balabal at sinuot. Pagkatapos
niyon ay dinala sila sa malaking kubo at nung nasa loob na sila ay nakita nila
ang isang babaeng matanda na napakapayat. Nagtatabako! May kagamitan siya na
pamilyar sa kanya.
Napaawang
siya at nakipagtinginan kina amery at toni na alam nila kung ano iyon. Iyon ang
mga lumang kagamitan para sa paggawa ng tattoo!
“A-anong…”
“Sinong
mauuna?” Tanong nang matanda. Hindi man lang nag-abalang magpakilala sa sarili.
Itinulak
siya ni Nyai. “Ito muna ang uunahin niyo. Lagyan niyo siya sa braso.”
Hindi
nila inaasahan iyon kaya naman nanlaban sila subalit wala din silbi dahil may
mga armadong mga lalaki na pumigil sa kanila. Tinutukan sila nang matalim na
espada.
“ez
dute inoiz saiatu borrokatu edo, bestela, labankada dut duzu” Kahit na hindi niya alam
kung ano ang sinasabi niya ito lang ang alam niya. ‘patay sila’
Wala silang nagawa kundi sumunod. Kahit labag sa kanilang loob na malagyan
ng tattoo ay ginawa na lang nila kung hindi kasi ay papatayin sila nito!
Napakagat siya ng labi nang maramdaman niya ang karayom na bumaon. Ilang oras
ay natapos din iyon. Meron limang matandang babaeng na pumasok sa kubo at may
dala din kagaya ng gamit ng unang matanda. Mas napadali ang trabaho nang unang
matanda dahil ang iba na ang bahala sa kaibigan.
“No! You have to kill me first before you—“ Naitikom ni Amery ang kanyang
bibig nang tumapat ang matulis na espada. Nang hindi na nanlaban si Amery ay inalis
niya ang espada at bumalik sa position. Nang matapos na ang lahat ay namamasa na ang mata nila.
Bakit ganito ang sinapit nila? They just want to go adventure! Magbakasiyon!
Hindi kagaya ngayon na parang isang bangungot!
Nang
gabing iyon ay lulan sila sa isang kulungan na de gulong at dinala sila sa mas
maliblib na kagubatan. May nakita siyang anim kubo at malayo sa isa’t isa!
“Ano
ba talaga ang gagawin nila sa atin? Hindi ko gusto ito!” Umiyak na si Amery.
“papatayin
nila tayo.” Walang kabuhay buhay na sagot ni Maia na kanina pa tahimik. “Kung
pinili niyo pa na tumakas kanina doon sa batis ay sana hindi ito nangyari sa
atin. They probably lied to us na hindi tayo sasaktan para hindi tayo tatakas
at makakauwi tayo nang ligtas.”
“Oh
my god.” Usal nina Toni and Amery.
Nilagyan
sila nang pusas at isa sa amin ay pinapasok sa bawat kubo maliban sa kanya!
Dinala siya sa mas malayong lugar at pinusasan ang kanyang paa na ang kadena ay
konektado sa malaking bato! Hindi siya makatakas kung gugustuhin niya!
“Teka!”
Tawag ko sa limang lalaki na papaalis na. “Huwag niyo akong iwan dito!”
Ang
isa sa kasama ng mga ito ay tinaas ang thumb at gumihit na vertical na linya sa
leeg na para bang sinasabi na mamatay ako. Parang nag-sink in ang kanyang
isipan sa senyas nito.
No! It can’t be! Niloko nila kami!
Bakit
dito siya ginapos? Bakit ang mga kaibigan niya ay nasa kubo?! Nagmamakaawa siya
sa mga ito na pakawalan siya subalit tila nagbibingihan lamang sila. Hindi na
niya napigilan ang pag-agos nang mga luha niya sa pisngi. Am I going to die here?
Nakakatakot
dito! Gusto na niyang umuwi at makasama ang kanyang mga kapatid at magulang.
Halos nabibingi siya sa sobrang tahimik nang lugar. Natatakot siya na baka may
mga wild boar na lumabas sa mga mayayabong halaman at kainin siya!
“TULONG!
TULONG!” Sigaw niya kahit alam naman niya na walang tutulong sa kanya. Pilit na
matanggal ang kadena sa paa. “TULO—ah!” Bigla siyang napatili nang may narinig
siyang naputol na sa sanga. Napalingon sa kaliwang bahagi at tinakasan na siya
nang dugo sa mukha sa nakita. Natatakpan nang makapal na ulap ang buwan kaya
tanging rebolto lang nang hayop na iyon ang nakita niya. Alam niya kung ano
iyon! Isang lobo! Hindi lang isang lobo kundi isang napakahiganteng lobo!
“Vampire…”
Nakakapagsalitang
lobo! Hindi ito lobo kundi nagpapanggap lang sigurong lobo ito! Isa itong
demonyo! Nahintakutan na nagpupumilit na tanggalin ang pusas! At ano daw
vampire?!
Sumugod
ito sa kanya!
“Kya!”
No comments:
Post a Comment